Tuesday, May 26, 2026

KM, tinututulan ang pagkakatalaga ni dating Sen. Tolentino bilang DOLE Secretary

Wala umanong maasahang pagbabago ang mga manggagawa sa ilalim ng bagong Kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE) na si na si dating Senador Francis Tolentino.

Ito ang ipinahayag ng Kilusang Mayo Uno.

Ayon sa KMU, noong senador pa ang Kalihim ay nagpahayag na ito ng pagsuporta sa pagpapanatili ng regional wage boards na itinuturing nilang isang mekanismo sa pambabarat ng sahod at pagwawatak-watak sa pagkakaisa ng mga manggagawa.

Dagdag ng KMU, noong Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman pa si Tolentino ay di umano naibigay ang mga benepisyong napanalunan ng mga manggagawa.

Marami rin ang umano ang tinaaan ng tanggalan sa MMDA sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Facebook Comments