Sunday, May 31, 2026

DILG Usec. Jed Mabilog, inakusahan ng pamumulitika

Binatikos ngayon ang umano’y pamumulitika ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Jed Patrick Mabilog sa Rice Program ng pamahalaan.

Ayon kay Anilao Mayor Matet Debuque, na siya ring Vice President ng League of Municipalities of the Philippines Iloilo Chapter, tila hinaluan umano ng opisyal ng pulitika ang kanilang naging pag-uusap.

Sinabi ni Debuque na nang makita niya si Mabilog ay agad niyang ipinarating ang kanyang mga alalahanin kaugnay sa guidelines at polisiya ng Rice Program ng gobyerno na idina-download ng DILG patungo sa mga lokal na pamahalaan.

Pero ikinagulat daw ng alkalde ang naging tugon sa kaniya ni Mabilog matapos nitong sabihin na Gugma siya at hindi Rise na may kaugnayan sa tagline ng mga partido sa Iloilo City noong 2025 elections.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Mabilog na nitong Mayo lamang itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang Undersecretary for Public Safety ng DILG.

Nagsilbi rin siyang alkalde ng Iloilo mula 2010 hanggang 2017 matapos umalis ng bansa nang iugnay ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kaparehong taon din nang iutos ng Office of the Ombudsman ang pagsibak sa kaniya sa pwesto dahil sa serious dishonesty matapos nitong mabigong maipaliwanag ang kuwestiyonableng yaman na nagkakahalaga ng P8.9 million mula 2012 hanggang 2013.

Facebook Comments