
Nakatakdang isagawa sa Hunyo 12 ang Trabaho Agad Job Fair bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, kung saan libo-libong bakanteng trabaho ang inaasahang iaalok sa mga aplikante sa isang mall sa Dagupan City, Pangasinan.
Ayon sa ulat, iba’t ibang kumpanya at employer ang lalahok sa job fair para mabigyan ng oportunidad sa mga naghahanap ng trabaho. Kabilang sa mga inaasahang maiaalok ang mga posisyon mula sa iba’t ibang sektor at industriya para sa mga kwalipikadong aplikante.
Magkakaroon ng pagkakataon ang mga aplikante na direktang makausap ang mga kinatawan ng mga kumpanya at magsumite ng kanilang mga aplikasyon sa mismong araw ng job fair.
Kaugnay nito, pinaalalahanan ng pamahalaang lungsod ang mga interesadong aplikante na ihanda ang kanilang resume o biodata, pati na rin ang iba pang kinakailangang dokumento na maaaring hingin ng mga employer sa proseso ng aplikasyon.
Isasagawa ang job fair sa Hunyo 12 sa isang mall sa Arellano Street bilang bahagi ng mga aktibidad kaugnay ng paggunita sa ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










