Wednesday, June 10, 2026

PBBM, nasa GenSan na para inspeksiyunin ang pinsala ng lindol at mamahagi ng ayuda

Nasa General Santos City na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., upang personal na inspeksyunin ang mga lugar na naapektuhan ng Magnitude 7.8 na lindol at tiyaking naipararating agad ang tulong sa mga biktima.

Unang binisita ng Pangulo ang St. Elizabeth Hospital sa Santiago Boulevard upang kumustahin ang kalagayan ng mga pasyente at mga pasilidad na naapektuhan ng pagyanig.

Mula rito, magtutungo ang Pangulo sa General Santos City Oval Plaza kung saan isinasagawa ang pamamahagi ng tulong sa mga residenteng apektado ng lindol sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng pamahalaan.

Kasama rin sa kanyang iinspeksiyunin ang Romana Acharon Central Elementary School sa Purok Cahilsot Village at ang General Santos National High School sa Barangay Calumpang upang masuri ang naging epekto ng lindol sa mga paaralan.

Layunin ng pagbisita ng pangulo na tiyakin ang mabilis na pagbangon ng mga apektadong komunidad at ang agarang paghahatid ng kinakailangang ayuda at serbisyo ng pamahalaan.

Facebook Comments