Saturday, June 6, 2026

Hakbang at mga programa ng gobyerno, dapat ikasa agad para hadlangan ang matinding epekto ng El Niño sa buhay at kabuhayan ng mamamayan

Iginiit ni House Committee on Agriculture and Food Chairman at Quezon Representative Mark Enverga ang kahalagahan na maikasa na sa lalong madaling panahon ang mga plano at programa ng gobyerno para mahadlangan ang matinding epekto ng El Niño sa buhay at kabuhayan ng mamamayan.

Sinabi ito ni Enverga sa ginawang pagbusisi ng komite sa komprehensibong disaster preparedness at rehabilitation plan ng pamahalaan sa pangugnuna ng Task Force El Niño.

Diin ni Enverga, kailangang matiyak na epektibo ang mitigation plans ng gobyerno, intervention strategies, resource allocation at inter-agency coordination mechanisms para mabigyan ng progteksyon ang mamamayan lalo na ang mga mangingisda at magsasaka.

Babala ni Enverga kung hindi ito magagawa ay tiyak malalagay sa alanganin ang sektor ng agrikultura at ang pambansang seguridad sa pagkain.

Facebook Comments