
Iminungkahi ni House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Sarah Jane Elago na sumailalim ang mga miyembro at mga staff ng House of Representatives sa mandatory gender sensitivity and anti-sexual harassment training.
Paliwanag ni Elago layunin nito na mapalakas ang mga patakaran at institusyonal na mekanismo upang matiyak ang paggalang sa kababaihan sa lahat ng antas ng pamahalaan.
Inihayag ito Elgao, matapos patawan ng Kamara ng parusa si Quezon City Rep. Bong Sunay dahil sa inihayag nitong analogy sa isang pagdinig na nag-init sya ng makita ang aktres na si Anne Curtis sa isang mall.
Diin ni Elago, hindi katanggap-tanggap at hindi dapat gawing normal ang paggamit sa isang analogy ng pagtingin sa babae bilang isang bagay.
Ayon kay Elgado, hindi ito simpleng analogy kundi pagnormalisa ng hindi pantay na pagtingin sa kababaihan sa lipunan bilang tao na may dignidad, at hindi obheto na walang pakiramdam at pag-iisip.










