Bagong chairperson ng board of director ng BCDA na si dating DND Sec. Lorenzana, nanumpa kay PBBM

Nanumpa mismo kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si dating Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana bilang bagong Chairperson ng Board of Directors ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA)

Ang BCDA ay isang government-owned and controlled development corporation na itinatag sa ilalim ng batas upang i-develop ang mga dating US military bases at mga properties.

Kasunod nito, kumpyansa ang DND na mapamumunuan ni Sec. Lorenzana ang BCDA ng maayos at mas mapagtitibay pa nito ang kolaborasyon hindi lamang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) gayundin ang mga stakeholders para sa mas maunlad na economic hubs.


Nabatid na ang AFP ay isa sa mga major beneficiary ng BCDA kung saan napondohan nito ang ilang modernization program ng sandatahang lakas sa mga nakalipas na taon.

Samantala, kumpyansa naman ang Pangulong Marcos sa kakayahan ni Lorenzana na pamunuan ang Board of Directors ng BCDA.

Facebook Comments