Hatol ng korte laban sa 5 pulis na dawit sa kidnapping, tagumpay para sa PNP

Itinuturing na tagumpay ng Pambansang Pulisya ang guilty verdict laban sa ilan nilang tauhan na nasangkot sa kidnapping noong 2019.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Brig. General Roderick Augustus Alba patunay lamang ito na hindi nila kinokonsinte ang maling gawain ng ilang mga bugok na pulis.

Tiniyak din nito na kung mayroon mang kahalintulad na reklamo sa kanilang hanay ay agad itong iimbestigahan at papanagutin kapag napatunayang may sala.


Kabilang sa mga nahatulang guilty sa kasong kidnapping ay sina PINSP. Ronaldo Prades, P03 Rigor Octavio, PO2 Sajid Anwar Encarnacion Nasser, PO1 John Mark Cruz at PO1 Anthony Fernandez.

Matatandaang 2019 nang mangyari ang insidente kung saan inaresto ang isang George Revilla ng Pasay Station’s Drug Enforcement Team at nag-demand ang mga kapulisan ng ₱100,000 sa suspek kapalit ng kanyang kalayaan.

Facebook Comments