Bagong Comelec Chairman George Erwin Garcia, magpapatupad ng mga reporma sa poll body

79

Pinasalamatan ni Bagong Comelec Chairman George Erwin Garcia ang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa paghirang sa kanya sa nasabing posisyon.

Ayon kay Garcia, noon pa man at sinabi na niya na handa siyang maglingkod sa Comelec sakaling hirangin siya ng pangulo.

Kaugnay nito, tiniyak ni Garcia na magpapatupad siya ng mga reporma sa Comelec.


Kabilang na rito ang structural reforms na magpapalakas sa integridad, accountabilty at transparency sa Komisyon.

Tiniyak din ni Garcia na mananatili siyang patas at independent sa pagtupad sa tungkulin bilang pinuno ng Comelec.

Facebook Comments