Bagong COVID-19 Case Bulletin, mamayang gabi pa mailalabas ng DOH

41

Late na makapaglalabas ng COVID-19 case bulletin ang Department of Health (DOH) ngayong araw.


Ito ang inanunsyo ng ahensya matapos silang makaranas ng unexpected system error dahilan para hindi pumasok ang mga bagong kaso sa COVIDKAYA-extracted database.

Bagama’t naayos na ang problema, nagdulot ito ng dagdag na oras para maiproseso ang mga na-extract na datos.

Sa abiso ng DOH, sa halip na alas 4:00 mamayang hapon, alas 8:00 ng gabi pa mailalabas ang case bulletin.

Facebook Comments