Tuesday, April 21, 2026

Kaso laban kay dating SP Escudero, mas lumalakas; pagsasagawa ng preliminary investigation, malapit na — Ombudsman

Nanatiling aktibo ang imbestigasyon laban kay Senador Francis “Chiz” Escudero.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na malapit nang sumailalim sa preliminary investigation ang kaso.

Mas lumalakas na umano ang case build-up at patuloy ang paghahanda ng mga ebidensya at dokumento na isusumite sa susunod na proseso.

Kaugnay nito, tinututukan din ang posibleng kasong money laundering na konektado umano sa korapsyon at iba pang transaksyon na iniimbestigahan.

Ipinahayag ng Ombudsman na nakikipag-ugnayan sila sa Anti–Money Laundering Council (AMLC) para sa posibleng freeze order sa mga ari-arian na sakop ng kaso.

Sabi pa ng opisyal, bahagi ito ng mas malawak na imbestigasyon at hinihintay na lamang ang pormal na pagsisimula ng mga kaukulang kaso sa tamang proseso.

Facebook Comments