Monday, April 20, 2026

20 toneladang gulay mula sa Benguet, ipinamahagi na sa Metro Manila LGUs

Ipinamahagi na sa ilang lungsod sa Metro Manila ang 20 toneladang gulay mula sa Benguet na binili ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa mga pamilyang nangangailangan.

Sa Quezon City, dinala ang mga gulay sa City Hall para ipamahagi sa mga residente, habang personal namang tinanggap ni Mayor Emi Calixto-Rubiano ang suplay sa Pasay City para sa mga piling benepisyaryo.

May naipadalang gulay din sa Caloocan City Hall North, Navotas Convention Center, at Brgy. Potrero Hall sa Malabon.

Kabilang din sa mga tumanggap ng suplay ang Department of Social Welfare and Development – National Capital Region (DSWD – NCR) sa Bago Bantay, Quezon City, Walang Gutom Kitchen sa Pasay City, Delpan Sports Complex sa Maynila, New Bilibid Prison sa Muntinlupa, at Manila City Jail.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), layunin ng programa na matulungan ang mga magsasaka sa Benguet habang naghahatid ng pagkain sa mga lugar na higit na nangangailangan.

Facebook Comments