Tuesday, May 26, 2026

Mga programa ng DOLE sa isyu ng pagpapalakas ng trabaho at paglago mg ekonomiya, tututukan ni Sec. Tolentino

Pormal ng naupo bilang kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE) si dating Sen. Francis Tolentino ngayong araw.

Ito’y matapos bumaba sa pwesto si Sec. Bienvenido Laguesma dahil sa isyu sa kalusugan.

Sa ginawang turn-over ceremony sa mismong tanggapan ng DOLE sa Intramuros, Maynila.
Sinabi ni Sec. Tolentino na palalakasin nito ang mga programa para sa mga manggagawang Pilipino.

Kabilang dito ang job generation, labor rights protection, skills training, at suporta para sa Overseas Filipino Workers o OFWs.

Binigyang-diin din ng bagong kalihim ang kahalagahan ng maayos na ugnayan ng pamahalaan, mga manggagawa, at employers upang mapanatili ang paglago ng ekonomoya sa bansa.

Bukod dito, nais din tutukan ni Sec. Toelntino ang pagkakaroon ng naaayon na trabaho para sa mga kabataan para sa kanilang kinabukasan.

Inaasahan naman magsasagawa ang bagong kalihim ng mga pagpupulong sa regional at field offices ng DOLE upang alamin ang kalagayan ng labor sector at mga programang ipinatutupad ng ahensya.

Facebook Comments