Tuesday, May 26, 2026

PBBM, biyaheng japan ngayong araw para sa state visit; mga kasunduan sa depensa at ekonomiya, lalagdaan

Biyaheng Japan ngayong araw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa isang state visit mula May 26 hanggang 29 kasunod ng imbitasyon ng Japanese government.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Analyn Ratonel na kabilang sa inaasahang pag-uusapan at posibleng lagdaan ng dalawang bansa ang mga kasunduan sa maritime security, defense cooperation, trade at investment partnerships, at pagpapalakas ng labor at human resource development.

Tatalakayin din ni Pangulong Marcos at Japanese Prime Minister Sanae Takaichi ang mga usaping panrehiyon at pandaigdig, kabilang ang sitwasyon sa Pacific region, ASEAN, at Middle East.

Nakatakda ring makipagpulong si Pangulong Marcos sa mga Japanese business groups at Filipino community sa Japan.

Kasama rin sa biyahe ang courtesy call nina Pangulong Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos kina Emperor Naruhito at Empress Masako sa Imperial Palace.

Ito ang kauna-unahang state visit ni Pangulong Marcos sa Japan mula nang maupo siya sa pagkapangulo.

Kasabay nito, ipinagdiriwang ngayong taon ang ika-70 anibersaryo ng diplomatic relations ng Pilipinas at Japan.

Facebook Comments