
Pinagsusumite ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng report ang bagong liderato ng PhilHealth hinggil sa mga dapat ayusin sa institusyon.
Ayon kay Pangulong Marcos, nagkausap na sila ni Dr. Edwin Mercado noong nanumpa siya puwesto sa Malacañang.
Humingi ang pangulo ng payo kay Mercado kung ano sa tingin nito ang pwedeng gawin sa PhilHealth.
Sabi ni Pangulong Marcos, nangako si Mercado na babalikan siya matapos ang isang linggo.
Hiniling din ni Mercado na hayaan muna nitong silipin ang mga sistemang umiiral sa PhilHealth para makita kung ano ang mga dapat palitan at kung ano ang mga dapat pang gamutin sa mga sakit ng institusyon.
Facebook Comments