
Nanlumo ang isang 37 taong gulang na ginang matapos na matangayan ng P100,000 na pambayad sana sa professional fee ng mga doktor ng kaniyang asawa sa Maynila kahapon.
Matapos na may tumawag sa kanila na nagpanggap na tauhan ng isa sa mga doctor ng biktima kung saan nangako ito na bibigyan ng diskwento ang ginang sa professional fee.
Dahil dito, napaniwala ng scammer ang biktima at nag-send ito ng pera sa account number na binigay ng suspek.
Ang account na ginamit ng scammer ay pinangalan sa isa sa mga doctor ng asawa ng biktima.
Nang i-discharge na sana ang asawa ng biktima, dito na nalaman na ang nangyaring transaksyon ay scam pala dahil nang tawagan ng nurse ang doktor kaniyang asawa wala umano itong online banking na ginamit ng scammer.
Dahil dito, problemado ang biktima na bayaran ang natitira pa nitong balanse sa hospital.
Dumulog ang biktima sa tanggapan ng Anti-Cybercrime Division ng Philippine National Police (PNP) upang ma-trace ang nasabing scammer.