Monday, April 27, 2026

Major power facilities sa Batangas, ininspeksyon ng ERC at DOE matapos ang pagdedeklara ng Yello Alert sa Luzon Grid

Ininspeksyon ng mga opisyal ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) ang major power facilities sa Batangas.

Kasunod ito ng deklarasyon ng Yellow Alert sa Luzon Grid nitong April 16 , 2026 matapos na mag-offline ang ilang generating units sa mga planta ng kuryente.

Sa naturang inspeksyon, ni-review ng ERC at DOE ang mga record ng planta at sinuri ang mahahalagang equipments tulad ng LNG tank at regasification systems na nagbibigay ng fuel sa power plants.

Inatasan din ng DOE at ERC ang facility operator na magsumite ng karagdagang mga dokumento habang isinasagawa ang imbestigasyon sa pinagmulan ng aberya.

Sa ilalim ng yellow alert, sapat pa naman ang supply ng kuryente pero ang reserba ay mababa na at posibleng magkaroon ng supply disruption.

Facebook Comments