Wednesday, November 18, 2026

LIBRENG PAGBABAKUNA KONTRA RABIES SA MGA ASO AT PUSA SA SAN CARLOS CITY, ISINUSULONG

Pinaigting ng City Veterinary Office ng San Carlos City, Pangasinan ang pagbibigay ng libreng bakuna kontra rabies para sa mga alagang aso at pusa sa iba’t ibang barangay ng lungsod.

Ayon sa inilabas na iskedyul, ngayong Nobyembre 17 ay nakatakdang isagawa ang pagbabakuna sa Barangay Bolosan, alas-nuwebe ng umaga.

Susundan naman ito sa Nobyembre 18 sa Barangay Caingal, habang sa Nobyembre 19 ay isasagawa ang aktibidad sa Barangay Sapinit sa parehong oras.

Hinihikayat naman ang mga residente sa mga nabanggit na barangay na dalhin at ihanda ang kanilang mga alagang aso at pusa upang mabigyan ng libreng bakuna laban sa rabies.

Layunin ng programang ito na maiwasan ang pagkalat ng rabies at maprotektahan ang kalusugan at kaligtasan ng mga alagang hayop, kanilang mga amo, at ng buong komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments