Bahay sa New Washington nasunog, sanhi patuloy pang inaalam

New Washington, Aklan – Nagpapatuloy pa ngayon ang imbestigasyon ng mga taga Bureau of Fire Protection (BFP) matapos na masunog ang isang bahay kaninang mga alas 5:00 ng umaga sa Rizal St., Poblacion, New Washington, Aklan.
Base sa rekord ng New Washington PNP na ang nasabing bahay ay walang tao ng itoy masunog dahil ang nagmamay-ari nito na si Mabelyn Canero ay nasa ibang bansa.
Dahil sa pag responde agad ng mga taga BFP New Washington ay naapula ang apoy at sakto namang umulan ng malakas kanina.
Ang nasabing bahay ay gawa sa concrete at light materials.
Sa ngayon ay patuloy pang inaalam ng mga taga BFP New Washington ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang iniwan nitong pinsala.

Facebook Comments