Bakunahan sa mga batang 5-11 taong gulang, hindi matutuloy bukas

92

Ipinagpaliban ng pamahalaan ang bakunahan bukas para sa mga batang 5 hanggang 11 taong gulang.

Ayon kay Presidential Adviser for COVID-19 Response Vince Dizon, naantala ang vaccine shipments dahil sa logistical issue.

Dagdag pa ni Dizon na bukas pa maipapadala ang low-dose Pfizer vaccines para sa naturang age group na matatanggap na dapat ngayong gabi.


Itutuloy ng pamahalaan ang bakunahan sa 5 hanggang 11 taong gulang sa Lunes, February 7.

Facebook Comments