
Mas pinalawak ng Globe AT HOME at GCash ang digital at financial inclusion sa mga komunidad matapos nilang dalhin ang libreng internet at digital financial services sa Maypajo Public Market sa South Caloocan.
Ang Maypajo Public Market ang ikaapat na palengke sa bansa na nilagyan ng GFiber Prepaid at kauna-unahan sa Metro Manila matapos itong maipatupad sa Lucena, Baliwag at Valencia.
Sa pamamagitan ng walong GFiber Prepaid devices na may bilis na hanggang 100 Mbps, magkakaroon ng libre at mas maaasahang internet connection ang mga tindero at mamimili.
Dahil sa proyekto, magkakaroon na rin ng access ang mga vendor sa digital credit, insurance at bookkeeping services habang maaari nang gumamit ng cashless transactions ang mga mamimili sa pamamagitan ng scan-to-pay.










