
Arestado ang dalawang indibidwal sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Quezon City Police District sa Brgy. Del Monte, Quezon City.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Jordan” at “Jonas,” kapwa 31 taong gulang at pawang residente ng nasabing lungsod.
Narekober sa kanila ang 333.61 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P2.2 milyon, mga Chinese tea package na hinihinalang ginagamit sa pagbibiyahe ng ilegal na droga, at iba pang kagamitan.
Kaugnay nito, napag-alaman ng pulisya na si alyas “Jordan” ay mayroon nang naitalang paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 noong March 2015.
Sa ngayon, nasa kustodiya ng pulisya ang dalawang suspek at nahaharap sa kaukulang kaso.
Facebook Comments










