Saturday, November 7, 2026

BI, suportado ang pagpapalawak ng e-gates para sa lahat ng pasahero sa NAIA

Suportado ng Bureau of Immigration (BI) ang panukala ni Transportation Secretary Vince Dizon na palawakin ang paggamit ng electronic Immigration gates o e-Gates para sa lahat ng dumarating at papaalis na pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Layunin nitong mapabilis ang Immigration processing at mabawasan ang mahabang pila sa paliparan.

Sa ilalim ng panukala, maaari nang hindi dumaan sa face-to-face interview ang mga pasaherong makapapasa sa automated screening, maliban sa mga mangangailangan ng karagdagang pagsusuri.

Samantala, natapos na rin ang unang yugto ng pagpapalawak at pag-upgrade ng e-gates sa Clark, Cebu at Davao, na may kasamang biometric system para matukoy ang posibleng passport fraud.

Kasalukuyan namang isinasailalim sa procurement ang ikalawang yugto para sa iba pang international gateways sa mga lalawigan.

Facebook Comments