Wednesday, November 4, 2026

Pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea, inaasahang pag-uusapan sa Quad Leaders’ Summit

Magsasama-sama sa Pilipinas ang mga pinuno ng Australia, India, Japan, at Estados Unidos para sa gaganaping Quad Leaders’ Summit kasabay ng pag-host ng bansa sa ASEAN Summit sa darating na November 16 hanggang 18.

Kinumpirma ni US Secretary of State Marco Rubio ang naturang pagpupulong na magiging kauna-unahang summit din ni US President Donald Trump sa ilalim ng kaniyang bagong termino.

Layunin ng Quad alliance na patatagin ang maritime security at itaguyod ang malaya at bukas na Indo-Pacific region, lalo na sa gitna ng matinding pagkabahala sa lumalawak na militarisasyon at impluwensya ng China sa West Philippine Sea.

Inaasahang magiging sentro ng talakayan ng mga pandaigdigang lider ang pagpapanatili ng kapayapaan, seguridad, at estabilidad sa mga pinagtatalunang teritoryo sa ASEAN region.

Facebook Comments