Isinagawa ang aktibidad noong Nobyembre 5 sa pangunguna ng Department of Agriculture – Agricultural Training Institute Regional Training Center 1 o DA-ATI-RTC 1 sa ilalim ng programang Agri-Extension on Wheels.
Tinalakay sa pagsasanay ang iba’t ibang pamamaraan upang maprotektahan ang mga pananim at alagang hayop laban sa matinding init at kakulangan sa suplay ng tubig.
Kabilang sa mga itinuro ang regular na pagsubaybay sa lagay ng panahon, tamang iskedyul ng pagtatanim at pagpapataba, wastong pamamahala sa suplay ng tubig, at pag-iwas sa mga gawaing maaaring makapinsala sa kapaligiran.
Binigyang-diin din ang kahalagahan ng paghahanda ng sapat na pagkain at tubig, gayundin ng emergency go bag para sa kaligtasan ng mga magsasaka at kanilang pamilya.
Hinikayat naman ng DA-ATI-RTC 1 ang mga kalahok na isabuhay ang mga natutuhan at ibahagi ang kanilang kaalaman sa kapwa magsasaka upang higit na mapalakas ang kahandaan ng sektor ng agrikultura sa posibleng epekto ng El Niño. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







