Thursday, May 7, 2026

Anti-Political Dynasty Bill, inaasahang maipapasa ng Kamara ngayong Mayo

Target ng Kamara na maipasa ang Anti-Political Dynasty Bill ngayong Mayo o bago magsara ang unang Regular Session ng 20th Congress.

Inihayag ito ni House Assistsant Majority Leader at Lanao del Sur 1st DIstrict Representative Zia Alonto Adiong na ring chairman ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms na dumidinig sa panukala.

Binanggit ni Adiong na nagkausap sila nina House Speaker Faustino “Bodjie” Dy III at House Majority Leader Sandro Marcos hinggil sa pagnanais nilang maipasa na ang panukala.

Noong Abril ay sinimulan na ang debate sa plenaryo ng Kamara patungkol sa Anti-Political Dynasty Bill at ayon kay Adiong, magpapatuloy ito sa susunod na linggo kung saan anim na kongresista pa ang nakalinyang mag-interpellate.

Facebook Comments