Friday, May 8, 2026

Pamilya ni Mary Jane Veloso, muling umaapela sa Korte Suprema

Umapela sa Supreme Court ang pamilya ni Mary Jane Veloso na agad resolbahin ang Petition for Writ of Habeas Corpus na halos anim na buwan nang nakabinbin mula nang naisampa noong November 2025.

Ang petisyon ay kumukuwestiyon sa legalidad ng patuloy na pagkakakulong ni Mary Jane sa Correctional Institution for Women.

Sinabi ni Atty. Kathy Panguban ng NUPL Women and Children Committee, kalakip ng mosyon ang sulat-kamay ni Mary Jane para sa Chief Justice, na nananawagan na dinggin na ang kanilang petisyon upang matukoy kung may sapat na batayan ang kanyang patuloy na pagkakakulong.

Samantala muling nakiusap ang mag-asawang sina Celia at Cesar Veloso kay Pangulong Bongbong Marcos na pagkalooban na ng clemency ang kanilang anak.

Ayon naman kay Cesar, matagal na silang nagdurusa mula pa noong 2010.

Hiling ni Ginang Veloso na ngayong Linggo, Mother’s Day, at kaarawan niya sa May 10 ay ipagkaloob na sana ng pangulo ang kanilang hinihingi na makapiling na ang kanyang anak

Facebook Comments