
Patuloy na nagpapalala ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa mga residente na mag-ingat kasabay ng pagmomonitor sa sitwasyon kaugnay ng insidente sa Navotas Sanitary Landfill (NSL).
Bagamat nagpapatuloy ang containment operations at regular na isinasagawa ang air quality monitoring, giit ng Malabon local government unit na maaaring makaranas ng paminsan-minsan usok o amoy sa ilang bahagi ng lungsod.
Partikular sa mga lugar na malapit sa Dampalit, depende sa direksyon ng hangin kaya’t ilang pag-iingat, pinapaalalahanan ang publiko na iwasan ang matagal na pananatili sa labas kapag may naamoy o nakikitang usok.
Gumamit ng N95 o KN95 mask kung kinakailangan mag-ingat lalo na ang mga bata, senior citizens, buntis, at mga may respiratory conditions.
Bukod dito, inabisuhan ang mga residente na patuloy na sumubaybay sa mga opisyal na advisory ng Pamahalaang Lungsod kung saan nananatili silang nakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensiya upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat residente.










