Ito ang iginiit ng grupo ng mga guro kasunod ng kontrobersyal na pahayag ni Palace Officer Claire Castro kaugnay ng nangyaring pamamaril sa isang paaralan sa Zamboanga City.
Ayon sa Teachers’ Dignity Coalition, hindi makatarungang iugnay agad sa mga guro ang pagiging marahas o “walang modo” ng ilang kabataan.
Nabuksan din ang usapin sa Dagupan City. Ayon kay Atty. Aurora Valle, ang legal officer ng lungsod, maaari umanong masangkot sa civil liability ang may-ari ng baril, gayundin ang kinauukulan ng paaralan kapag napatunayang naging pabaya ang mga ito.
Aniya, malaking bagay ang gabay ng magulang sa mga kabataan para maturuan ang mga ito ng tamang gawain.
Matatandaang noong Hulyo, ilang paaralan sa iba’t ibang bayan ng Pangasinan ang nakatanggap ng serye ng bomb at shooting threats, na nagtulak sa mga awtoridad na paigtingin ang seguridad at gabay sa kabataan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







