
Darating sa Pilipinas sa Oktubre 5 hanggang 8 ang Pangulo ng Poland na si Karol Nawrocki para sa kauna-unahang state visit nito sa bansa.
Personal siyang tatanggapin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at inaasahang tatalakayin ng dalawa ang pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at Poland, partikular sa depensa, seguridad, kalakalan at pamumuhunan.
Kabilang din sa agenda ang pagpapalawak ng kooperasyon sa agrikultura, teknolohiya, turismo at iba pang sektor.
Ayon sa Presidential Communications Office, inaasahang higit pang mapagtitibay ng pagbisita ang ugnayan ng dalawang bansa na pormal na nagtatag ng diplomatikong relasyon noong 1973.
Noong 2025, naging ika-28 pinakamalaking trading partner ng Pilipinas ang Poland.
Tinatayang nasa 25,000 Pilipino rin ang naninirahan sa naturang bansa.
