BFP REGION 1, AGARANG TUMULONG SA MGA ESTUDYANTENG APEKTADO NG LINDOL

BFP REGION 1, AGARANG TUMULONG SA MGA ESTUDYANTENG APEKTADO NG LINDOL

‎Agad na rumesponde ang Bureau of Fire Protection (BFP) Regional Office 1, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Santo Tomas at ang Rural Health Unit (RHU) ng Santo Tomas, upang magbigay ng agarang tulong sa mga estudyanteng naapektuhan ng kamakailang lindol.

‎Ayon sa BFP Region 1, ilang estudyante na nakaranas ng matinding pagkabigla matapos ang pagyanig ay kaagad na isinailalim sa pagsusuri at dinala sa RHU Santo Tomas upang mabigyan ng agarang medikal na atensyon.

‎Bukod dito, pitong (7) estudyante ang pansamantalang pinatuloy sa tanggapan ng BFP Regional Office 1, kung saan sila ay nabigyan din ng kinakailangang tulong medikal.

‎Samantala, isang (1) estudyante ang ligtas na naihatid ng mga rumespondeng tauhan sa pinakamalapit na ospital para sa karagdagang pagsusuri at paggamot.

‎Binigyang-diin ng BFP ang patuloy nitong pangako na pangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng publiko sa pamamagitan ng maagap na pagtugon sa mga emerhensiya at malapit na pakikipag-ugnayan sa mga katuwang na ahensya.

‎Hinikayat din ng BFP Region 1 ang publiko na manatiling kalmado, sumubaybay lamang sa mga opisyal na abiso, at patuloy na sundin ang mga itinakdang protocol sa kaligtasan tuwing may lindol. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments