LAHAT NG KLASE SA DAGUPAN CITY, SUSPENDIDO NGAYONG ARAW DAHIL SA BANTA NG MALAKAS NA ULAN
Sinuspinde ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan ang klase sa lahat ng antas, kabilang ang mga kolehiyo at unibersidad, kapwa pampubliko at pribado, ngayong Sabado, Hulyo 11, bilang paghahanda sa inaasahang malakas na pag-ulan at pagbaha.
Sa ilalim ng Executive Order No. 29, Series of 2026, ipinag-utos ni Mayor Belen T. Fernandez ang agarang suspensyon ng klase matapos ang rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at ng Public Alert Response and Monitoring Center (PARMC).
Ayon sa kautusan, layunin ng suspensyon na tutukan ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at mga kawani ng paaralan sa harap ng inaasahang masamang panahon.
Saklaw ng suspensyon ang lahat ng antas ng edukasyon mula preschool, elementarya, junior high school, senior high school, hanggang kolehiyo at unibersidad sa buong lungsod ng Dagupan.
Inatasan din ang lahat ng administrator ng mga paaralan na agad ipabatid ang kautusan at maghanda para sa kaligtasan ng kanilang mga estudyante at empleyado.
Samantala, patuloy na babantayan ng CDRRMO, katuwang ang iba pang kaugnay na ahensya, ang lagay ng panahon at maglalabas ng karagdagang abiso kung kinakailangan.
Nanawagan ang lokal na pamahalaan sa publiko na manatiling alerto, subaybayan ang mga opisyal na weather advisories, at umiwas sa mga lugar na maaaring bahain habang nananatili ang banta ng malakas na pag-ulan.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments