Binigyang-diin ng Lokal na Pamahalaan ng Infanta ang mahalagang ugnayan ng pangangalaga sa kalikasan at pagkakaroon ng wastong nutrisyon sa pagsisimula ng pagdiriwang ng ika-52 Nutrition Month ngayong Hulyo.
Sa temang “Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!”, hinihikayat ng pamahalaang lokal ang mga residente na makiisa sa mga gawaing makatutulong sa pagpapanatili ng malinis na kapaligiran bilang hakbang sa pagkakaroon ng sapat at masustansiyang pagkain para sa bawat pamilya.
Kabilang sa mga hinihikayat na gawain ngayong Nutrition Month ang paglilinis ng kapaligiran, pagtatanim ng mga halaman at puno, at aktibong pakikilahok sa mga programang nagtataguyod ng kalusugan at pangangalaga sa kalikasan.
Patuloy namang isinusulong ng lokal na pamahalaan ang mga programang naglalayong pagsabayin ang pangangalaga sa kalikasan at pagpapabuti ng kalusugan at nutrisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








