LGU SAN FABIAN, NAGBABALIK SA REGULAR NA LIMANG ARAW NA WORKWEEK NGAYONG HULYO 6 ‎ ‎

Muling ipinatupad ng Local Government Unit (LGU) ng San Fabian ang regular na limang araw na workweek simula ngayong Lunes, Hulyo 6, 2026.

‎Batay sa memorandum na inilabas ng Tanggapan ng Alkalde noong Hunyo 29, 2026, inihayag ng pamahalaang bayan ng San Fabian na ang oras ng trabaho sa munisipyo ay magiging Lunes hanggang Biyernes, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.


‎Ayon sa LGU, layunin ng pagbabalik sa regular na iskedyul na matiyak ang tuloy-tuloy at walang patid na paghahatid ng mga serbisyong pampubliko, matugunan ang lumalaking pangangailangan ng komunidad, at mabigyan ang mga mamamayan ng sapat na panahon upang maisagawa ang kanilang mga transaksyon sa munisipyo.

‎Hinihikayat naman ang publiko na planuhin ang kanilang pagpunta sa mga tanggapan ng munisipyo sa loob ng regular na araw ng trabaho upang maging mas mabilis at mas maayos ang pagproseso ng kanilang mga transaksyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments