Thursday, May 7, 2026

VP Sara, kinumpirma ang tuluyang pagbagsak ng foreign investor interest sa Pilipinas

Kinumpirma ni Vice President Sara Duterye na bumagsak na sa zero ang foreign investor interest sa Pilipinas dahil sa mga katiwalian.

Sa ambush interview sa The Hague, The Netherlands, tinukoy ni VP Sara na ang levels ng corruption ngayon sa Pilipinas ay mula sa Office Of The President hanggang
doon sa barangay.

Sinabi ni VP Sara na naka-akit din sa mga dayuhang investor ang pagiging competitive ng mga karatig na bansa sa Asya, bukod sa “business friendly” aniya ang mga batas sa ilang bansa sa Asya tulad ng Thailand at Vietnam.

Una nang napaulat na maraming dayuhang investors ang umatras sa paglagak ng negosyo sa Pilipinas dahil sa matinding korupsyon.

Habang may ilang mga negosyanteng Pilipino naman ang lumipat na ng kanilang investments sa Vietnam.

Facebook Comments