
Tahasang sinabi ng tagapagsalita ng Kamara na si Atty. Princes Abante na pinatay ng Senado ang panukalang P200 na dagdag sa arawang sahod ng nasa limang milyong minimum wage earners sa pribadong sektor.
Sabi ni Abante, tumanggi ang Senado na i-convene ang Bicameral Conference committee para talakayin ang wage increase.
Binatikos din ni Abante ang kagustuhan ng Senado na tanggapin na lang ng Kamara ang bersyon nito ng panukala na ₱100 lang na wage increase.
Tanong ni Abante, bakit binabarya lang ng Senado ang dapat na dagdag sa sahod ng mga manggagawa sa bansa.
Nangako naman si Abante na patuloy na ipaglalaban ng Kamara ang makatao at makatarungan na sahod na kailangan ng mangagawang Pilipino.
Facebook Comments