
Naglabas ng advisory ang Embahada ng Pilipinas sa Israel sa mga Pilipino roon na tiyakin ang kaligtasan ng bawat isa.
Ayon sa Embahada, manatili na lamang sa loob ng kanilang mga tahanan at dapat maging handa sa pagpasok sa safe room, o tinatawag na “mamad” sakaling magkaroon ng missile alert.
Ipinagbabawal rin ang anumang uri ng pagtitipon, kasunod ng anunsyong wala na munang pasok sa mga trabaho, maliban na lang sa mga nagbibigay ng essential services.
Maiging sundin din ang mga IDF security guidelines, safety advisories ng Embahada, at balita mula sa mga mapagkakatiwalaang sources.
Matatandaang naglunsad ang Israel ng “preemptive strike” laban sa Iran kasabay ng pagdedeklara ng state of emergency sa buong bansa.
Ilang pagsabog rin kasi ang naiulat na umaalingawngaw sa Tehran habang nagpapatuloy ang tensyon sa rehiyon.
Para naman sa mga Pinoy na nangangailangan ng tulong ay tumawag lamang sa Embassy Emergency Hotline na +972 54-4661188.