Monday, June 15, 2026

Sen. Alan Peter Cayetano, iginiit na hindi niya inihahalintulad ang sarili kay dating Sen. Ninoy Aquino

Nilinaw ni Senator Alan Peter Cayetano na hindi niya inihahambing ang kaniyang sarili kay dating Senator Ninoy Aquino matapos gamitin ang “Laban” sign sa gitna ng isyu sa liderato ng Senado.

Ayon kay Cayetano, walang pamilya ang may monopolya ng pangalan ni Ninoy Aquino at wala ring may monopolya ng pagiging bayani.

Patunay aniya rito ang People Power kung saan hindi lamang ito tagumpay ng iisang pamilya kundi tagumpay ng mga ordinaryong Pilipino na ninais na manaig ang katotohanan kaysa mangibabaw ang takot.

Iginiit ni Cayetano na hindi niya kinukumpara ang kaniyang sarili o ang kaniyang grupo kay Ninoy pero nakikiisa siya sa kung ano ang ipinaglaban nito noon.

Dagdag ng senador, hindi pa tapos ang rebolusyon at sino ang handang humarap at lumaban sa mga kasalukuyang isyu sa bansa tulad ng pagnanakaw sa kaban ng bayan, korapsyon at pagtataksil sa tiwala ng Pilipino.

Facebook Comments