
Ayon kay House Majority Leader Representative Sandro Marcos, patuloy na kumikilos ang House of Representatives para matulungan ang mga biktima ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Binanggit ni Marcos na personal na nagtungo si House Speaker Faustino Bodjie Dy III sa General Santos City at Sarangani Province upang tingnan ang naging pinsala ng lindol at maghatid ng tulong sa mga biktima.
Diin ni Marcos, patuloy ding nakikipag-ugnayan ang liderato ng Kamara sa mga kongresista sa mga lugar na tinamaan ng trahedya para tiyiakin na natutugunan ang pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.
Sabi ni Marcos, ang tulong na ipinagkakaloob sa mga apektadong komunidad ay depende sa pangangailangan na tutukuyin ng kabilang mga lokal na opisyal tulad ng medical assistance, relief goods at iba pang uri ng suporta na kayang ibigay ng Kamara.










