
Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) aabot na sa 21 ang napaulat na nasawi dulot ng Southwest Moonsoon o ng Habagat, Bagyong Luis at Maymay.
Sa bilang na ito, 15 inidibidwal ang naitalang nasawi sa Benguet dahil sa landslide, 3 sa Rizal dahil sa landslide at pagkatumba ng puno at 3 sa Batangas dahil sa pagkakalunod, pagkakakuryente at dahil pa rin sa landslide o pagguho ng lupa.
14 naman ang naiulat na nasugatan at isa ang nawawala sa Batangas.
Kaugnay nito, nasa mahigit 3 milyong indibidwal o katumbas ng mahigit 900,000 na pamilya ang naiulat na naapektuhan ng nasabing mga bagyo at habagat mula sa Region 1, 2, 3, 5, 6, 9, CALABARZON, CAR, NCR at MIMAROPA.
Samantala, nasa mahigit 80,000 na mga indibidwal naman o katumbas ng mahigit 22,000 na mga pamilya ang nananatili sa 881 na mga itinalagang evacuation sites sa bansa.










