Saturday, August 8, 2026

10 Maleta Boys, makakalaya na matapos hindi makapagpiyansa kahapon

Makakalaya na ngayong araw ang 10 maleta boys na hindi nakapagpiyansa kahapon.

Ayon kay Atty. Levito Baligod, abogado ng mga bagmen, kabuuang P740,000 ang inilagak na piyansa para sa 10 dating sundalo.

Aniya, nagtungo siya ngayon sa Las Piñas Regional Trial Court para isumite ang proof of payment sa korte.

Kahapon nang may order of payment sa piyansa pero hindi raw naabisuhan ng korte ang bangko kaugnay nito kayat hindi sila nakapagpiyansa agad.

Nagtataka naman si Baligod sa naging proseso ng korte kaya’’t hindi agad nakalaya ang kanyang mga kliyente.

Ang 14 na dating mga bagmen ay humaharap sa kasong perjury na inihain ni Representative Leila de Lima, dating Senator Antonio Trillanes IV, dating National Security Adviser Eduardo Año at BuCor chief Gregorio Catapang Jr.

Facebook Comments