Tuesday, August 11, 2026

Mga chairman ng barangay na malapit sa Pasig River sa Maynila, pinamo-monitor ng lokal na pamahalaan ang kanilang sitwasyon

Inatasan ni Manila City Mayor Isko Moreno ang mga chairman ng barangay na maging alerto at patuloy na makipag-ugnayan sa kanilang mga residente.

Partikular na inaabisuhan ang mga barangay o lugar maaaring maapektuhan ng pagtaas ng tubig sa Pasig River.

Giit ng alkalde, kailangan palaging handa at i-monitor ng mga kapitan ng barangay ang sitwasyon bilang paghahanda pag-iwas sa anumang panganib.

Ang mga pullis naman sa kada presinto ay inutusan ng alkalde na mahigpit na magbantay at paigtingin ang seguridad ngayon masama ang lagay ng panahon.

Bilin pa ni Mayor Isko sa Manila Police District (MPD), tiyakin na walang makapagsasamantala sa panahon ng tag-ulan para gumawa ng anumang hindi maganda sa komunidad lalo na sa mga lugar na may mga inilikas na pamilya o indibidwal.

Facebook Comments