Wednesday, August 12, 2026

Pagliban ng ilang senator-judges sa impeachment trial, walang problema ayon sa Impeachment Court

Hindi itinuturing na problema ng Senate Impeachment Court ang pagliban o hindi pagdalo ng ilang senator-judges sa paglilitis.

Kahapon sa impeachment trial ay absent sina Senator-judges Loren Legarda at Alan Peter Cayetano habang humabol naman sa hapong paglilitis si Senator-judge Bong Go.

Pinawi ni Senate Impeachment Court Spokesperson Atty. Reginald Tongol ang pagalala sa attendance ng mga senator-judges.

Paliwanag ni Tongol, posibleng ang pagliban ng senator-judge ay sa personal na dahilan at iba pang trabaho bilang senador.

Aniya, ang tanging pagkakataon na posibleng mabahala ay kapag walang sapat na bilang para sa quorum na magiging dahilan para hindi makapagsagawa ng paglilitis ang impeachment court.

Matatandaang kahapon ay sinabi naman ni Senate Secretary Renato Bantug Jr., na sumulat ang tanggapan ni Legarda para ipaalam na naka-medical leave pa rin ang senadora hanggang ngayong araw.

Facebook Comments