Wednesday, August 12, 2026

Sec. Mercado, dapat magpatupad ng kailangang mga reporma para mapahusay ang serbisyong pangkalusugan

Nagpaabot ng pagbati si House Deputy Minority Leader at Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña kay bagong Health Secretary Dr. Edwin Mercado.

Umaasa si Cendaña na magpapatupad ng mga kailangang reporma si Mercado sa sektor ng kalusugan.

Ito ay para maging lubos ang kahandaan sa pagkakaloob ng abot-kaya at mahusay na serbisyong pangkalusugan sa lahat ng mga Pilipino.

Diin ni Cendaña, patuloy na hinaharap ng ating bansa sa krisis sa ating healthcare systems na hanggang ngayon ay hindi ito natutugunan.

Facebook Comments