Bilang ng mga namatay sa COVID-19 sa Quezon City, tumaas ng higit 600

31

Patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga indibidwal na namamatay dahil sa COVID-19 sa Quezon City.

Batay sa huling tala ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, umabot na sa 602 ang bilang ng mga pasyenteng nasawi dahil sa virus.

Sa kabila nito, patuloy namang tumataas ang bilang ng mga gumaling na sa sakit at sa ngayon ay umabot na ito sa 89% o 19,145 na indibidwal.

Ito’y mula sa kabuuang bilang na 21,418 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Habang nasa 1,671 naman ngayon ang nananatiling active cases at 19,800 ang suspected cases na binabantayan ng pamahalaang lokal.

Facebook Comments