
Imbes na kumita, nalugi pa ang ilang tsuper ng jeep na sumali sa Service Contracting Program (SCP) 2026 ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipinatupad noong Abril 15.
Sa ilalim ng programa, ang mga sasaling jeepney drivers at operators ay kailangang magbigay ng 20 percent fare discount sa lahat ng pasahero sa ng public utility vehicles (PUVs) nationwide.
Ang programang ito ay naglalayong tulungan ang mga commuter at tsuper dahil sa mataas ng presyo ng petrolyo.
Pero ayon kay MANIBELA Chairman Mar Valbuena, may mga lumapit sa kanyang mga tsuper ng jeep at sinabing hindi sila kumikita sa pagsali sa programa.
Aniya, masyado na kasing mataas ang 20 percent na discount sa lahat ng mga pasahero dagdag pa ang 20 percent na discount para sa mga senior citizen, Person with Disability (PWD) at mga estudyante.
Sa ilalim ng kontrata, babayaran ng gobyerno ang mga operator ng tradisyunal na jeep ng P30 hanggang P40 bawat kilometro.
Masyado itong mababa ani Valbuena dahil sa mataas pa ring presyo ng kada litro ng diesel.
Bukas nakatandang magpatupad ang mga kumpanya ng oil price rollback na aabot hanggang P10 pero kulang pa rin ito ayon sa grupong Manibela.










