Friday, June 12, 2026

Bilang ng mga napaulat na nasawi kasunod ng 7.8 magnitude na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao, umabot na sa 55 ayon sa NDRRMC

Nadagdagan pa ang bilang ng mga napaulat na nasawi kasunod ng 7.8 magnitude na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 55 ang napaulat na nasawi.

Habang nadagdagan din ang napaulat na nasugatan na umabot na sa 1,120 at ang bilang naman ng nawawala ay nananatili namang nasa 31 indibidwal.

Patuloy naman ang isinasagawang operasyon ng ibat-ibang ahensya ng pamahalaan para tumugon sa mga pangangailangan ng mga apektadong residente sa mga nasabing lugar.

Facebook Comments