
Itinaas ang yellow alert sa buong Visayas grid simula ala-6pm hanggang alas-8pm ngayong Byernes, June 12 base sa anunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.
Ito ay dahil umano sa manipis na reserba ng kuryente na magsisimula dahil sa outage ng TVI 1 at 2, PEDC 3 at 22 planta.
Samantala, sinabi naman ng NGCP na 2, 663 megawatts ang available capacity habang 2, 441 megawatts naman ang peak demand.
Facebook Comments










