Posibleng maharap sa parusa ang pamunuan ng Ateneo de Manila University (ADMU) sakaling mapatunayan na may naging paglabag ito sa pagkuha kay Tab Baldwin bilang head coach ng Men’s Basketball Team.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis Tolentino, ito ay sa posibleng pagkabigo ng Ateneo na magkaroon ng valid work permit sa kanilang foreign employees.

Sa Lunes, pinahaharap ni Tolentino si Baldwin para alamin kung may valid alien employment permit si Baldwin at kung ano ang mga saklaw nito sa kaniyang pagiging head coach.

Maaari din aniyang kasuhan ang unibersidad dahil sa illegal employment sa ilalim ng Labor Code.

Samantala, kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na natanggap na nila ang request para maglabas ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban sa Ateneo head coach.

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, dalawang request ang natanggap nila mula sa PNP-CIDG at kay Atty. Israelito Torreon na abogado ni Rene Baterbonia.

Sa ngayon ay sasailalim pa sa evaluation ang request batay sa mga hawak nilang impormasyon.

Facebook Comments