Bilibid, hinigpitan matapos ang pamamaril sa loob ng compound

Naka-red alert na ang Bureau of Corrections (BuCor) sa NBP-Muntinlupa dahil sa nangyaring gulo kagabi at sa natagpuang bangkay ng isang Person Deprived of Liberty.

Ayon kay BuCor Director General for Operations Angie Bautista, sa nangyaring gulo kagabi sa maximum security compound ay 9 siyam na PDL ang napaulat na sugatan

Samantala, bukod sa insidente ng pamamaril ay may isang bangkay na natagpuan sa septic tank.


Pero ayon sa BuCor, posibleng marami pang mga bangkay ang nasa loob ng septic tank.

Napag-alaman na may nawawala raw na PDL mula pa noong July 15 at nagsagawa na rin sila ng paghahanap sa buong compound.

Facebook Comments